City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → PHILHEALTH INSURANCE HANDOG SA MGA MEYCAUENOS!

November 21, 2019

PHILHEALTH INSURANCE HANDOG SA MGA MEYCAUENOS!
Date: May 29, 2019
PHILHEALTH INSURANCE HANDOG SA MGA MEYCAUENOS!

Sa tuloy tuloy na paglilingkod ng ating mahal na Punong Lungsod Henry R. Villarica at kaagapay ng ating Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica, pinangunahan ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Abelardo Bordador katuwang ng mga Barangay Health Workers ang pamamahagi ng Philhealth membership records ( MDR ) sa 5,051 na kapos-palad na Meycauaeños. Ang nabangit na pamamahagi ay pitong ( 7 ) taon nang ginagawa at nirerenew taon-taon ng Department of Health para sa mga kapos-palad na Pilipino. Kasama sa pamamahagi ang PhilHealth Sta. Maria Office sa katauhan nina Social Insurance officer III Mary Rose C. Cruz, Social Insurance Assistant I Jefferson Alis at Clerk III Divine Grace N. Pascual.

Mababakas ang taos pusong pasasalamat sa bawat Meycaueños para sa kanilang natanggap na Philhealth Membership na kanilang magagamit para sa kanilang kapakinabangan. Hangad ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica na mas mapabuti pa at makinabang ang bawat kapos- palad na Meycaueños sa lahat ng benepisyo na alay para sa mga Pilipino.

#TULOYTULOYNASERBISYOPARASAMEYCAUEÑOS