City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → PAGPAPASINAYA AT PAGSASALIN NG BAGONG GUSALI PAARALAN NG BARANGAY LONGOS

June 18, 2019

PAGPAPASINAYA AT PAGSASALIN NG BAGONG GUSALI PAARALAN NG BARANGAY LONGOS
Date: May 31, 2019
PAGPAPASINAYA AT PAGSASALIN NG BAGONG GUSALI PAARALAN NG BARANGAY LONGOS
MAYO 30, 2019

Isang katuparan para sa mga mag aaral, guro, at mga magulang ng Paaralang Barangay ng Longos na sila ay mapag kalooban ng mga bagong silid-aralan sa pagbubukas ng klase ngayon darating na Hunyo. Isang ( 1 ) bagong gusali na may dalawang ( 2 ) palapag na binubuo ng anim ( 6 ) na silid-aralan ang magagamit ng mga mag aaral sa darating na pasukan.

Pinangunahan ng ating butihing Mayor Henry R. Villarica ang pagpapasinaya at pagsasalin ng bagong gusali sa Longos Elementary School noong ika-30 ng Mayo 2019. Nagbigay rin ng mahalagang mensahe ang Ama ng Lungsod para sa mga mag aaral, na maibigay ang maayos at tamang edukasyon para sa lahat, tuloy tuloy na serbisyo publiko para sa lahat ng Meycaueños. Sinaksihan rin ni Kon. Kat Hernandez, Punong Barangay Arnel Gutierrez at mga Kagawad ng Barangay Longos ang pagpapasinaya ng bagong gusali. Dumalo rin sa naganap na programa sina Education Program Supervisor Cesar G. Yadao at Education Program Specialist II Velsilita Nicolas bilang representatives ni Schools Division Superintendent Norma P. Esteban,Ed.D, CESO V.

Pinangunahan ni G. Christeo L. Ibañes ang lubos na pagpapasalamat kasama ng mga guro at mag aaral para sa bagong gusali na naipagkaloob ni Mayor Henry R. Villarica katuwang ni Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica. Hangad nila na makamit ng bawat mag aaral ng Longos Elementary School ang karunungan na dapat taglayin tungo sa isang magandang kinabukasan.

#tuloytuloynaserbisyoparasameycaueños