City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MASS ANTI RABIES VACCINATION FOR DOGS AND CATS

November 21, 2019

MASS ANTI RABIES VACCINATION FOR DOGS AND CATS
Date: June 04, 2019
MASS ANTI RABIES VACCINATION FOR DOGS AND CATS

Matagumpay na naisagawa ang Mass Anti Rabies Vaccination sa dalawampu’t limang ( 25 ) barangay sa ating Lungsod ng Meycauayan. Pinangunahan ng City Veterinary Office sa pamumuno ni City Veterinarian Dra. Imelda E. Arguelles ang nasabing proyekto ng ating lungsod. Naitala ang kabuuang bilang na 13,262 na aso at pusa na naturukan simula noong buwan ng Pebrero hanggang Mayo 2019.

Taos puso ang pasasalamat ng mga nagmamay-ari sa mga hayop na nabakunahan dahil ito ay sa kaligtasan rin ng mga amo at ng kanilang mga alaga. Sa tuloy tuloy na proyekto ng ating mahal na Mayor Henry R. Villarica kaagapay ni Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica, hindi lamang mga tao ang dapat pangalagaan, bagkus maging ang mga hayop sa ating kapaligiran.

#TULOYTULOYNASERBISYOPUBLIKOPARASAMEYCAUEÑOS