City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → PAGLILIPAT NG PAMAMAHALA HULYO 1, 2019

October 20, 2019

PAGLILIPAT NG PAMAMAHALA HULYO 1, 2019
Date: July 01, 2019
Sa pakikipag-ugnayan ni City Local Government Operations Officer Benjamin M. Lastrollo at ni City Administrator Giancarlo T. Villarico ay naganap ang makasaysayang TURN-OVER CEREMONY (Paglilipat ng Pamamahala) mula kay Congressman Henry R. Villarica (dating City Mayor) sa mamumunong Punong Lungsod Linabelle Ruth R. Villarica (dating Kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Bulakan) noong ika-1 ng Hulyo 2019 sa City Hall Grounds.

Nasaksihan ng mga Meycaueno ang napakagandang programa ng lungsod sa mala garden na set up sa City Hall. Kaya’t maski malakas ang ulan ay naroroon pa rin ang espiritu ng pagbabago sa inumpisahang panalangin ng mga sektor ng pananampalataya, na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang ng Barasoain Camerata, Philippines Chorale at Chamber Orchestra, kasunod ng pag-awit ng Meycauayan City Chorale sa Hymn of City of Meycauayan.

Isa-isang ipinakilala ng Puno ng Palatuntunan City Administrator Rafael Carlo T. Villarico ang mga bagong halal na manunungkulan na bumubuo ng Sangguniang Panlungsod na sina: Vice Mayor Josefina O. Violago; Kon. Anna Kathrina M. Hernandez; Kon. Catherine C. Abacan; Kon. Jerimeco S. Dulalia; Kon. Mario A. Aguirre; Kon. Mary Christine Z. Paguio; Kon. Arnaldo R. Velasco; Kon. Mario T. Berboso, Kon. Dhon M. Banez at Kon. Larissa DS. Abracero; Kon. Wilfredo Delos Santos Macatulad at ang mga dating konsehal na sina Kon. Raoul M. Atadero at Kon. Elmer E. Paguio.

Pinangunahan naman ni City Local Government Operations Officer (CLGOO) Benjamin M. Lastrollo ang Paglilipat ng Bandila, Simbolikong Tatak ng Lungsod at Susi ng Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan mula kay dating City Mayor Henry R. Villarica na ngayon ay Kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Bulacan para sa halal na Punong Lungsod Linabelle Ruth R. Villarica na dating Congresswoman ng 4th District of Bulacan.

Naging panauhing pandangal si DOJ Secretary Menandro Guevarra. Dumalo at sumaksi din sina Ex-Mayor Tito Santiago, Bishop Iniguez, DPWH Officials, Barangay Captains & Kagawads, DEPED Family at mga NGOs.

Napakasaya at mabiyayang araw ang naganap sapagkat ang mamumuno sa ating Lungsod ay ang dating Deputy Speaker ng Kongreso na nakagawa na ng maraming proyekto sa kanyang distrito at maraming batas na sagot sa mga pangangailangan ng ating bansa. Kayat nakasisiguro na ang ating lungsod ay nasa mabuting kamay lalo na sa pagtaas ng antas ng kaunlaran ng Meycauayan. Mabuhay po kayo City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica at Cong. Henry R. Villarica TUNAY NA INA at AMA ng LUNGSOD NG MEYCAUAYAN! MEYCAUEÑOS TAAS NOO SA PAGBABAGO TUNGO SA MAUNLAD NA MEYCAUAYAN!

#maymagandangbuhaysamgameycaueño