City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → CITY AGRI, NAMAHAGI NG MGA BUTO AT GARDEN TOOLS!

November 19, 2019

CITY AGRI, NAMAHAGI NG MGA BUTO AT GARDEN TOOLS!
Date: August 01, 2019
Katuwang na namahagi ang ating butihing Mayor Linabelle Villarica at mga nahalal na opisyal ng mga starter kit sa programang “Gulayan sa Tahanan: Malusog na Pinoy Hapag-Kainan” ng City Agriculture Office (CAO) na ginanap nitong Hulyo 30, 2019 sa AVR Meycauayan City Hall. Sa pangunguna ni OIC Dra. Imelda Arguelles nakipag-ugnayan ang CAO sa grupo ng mga magulang at nutrition workers para ang mga buto at garden tools na ipinamahagi ay magamit sa mga school garden, at mapagtibay pa ang kaalaman sa wastong nutrisyon.

Sumuporta sa naturang okasyon sina Vice-Mayor Jojie Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Mario Aguirre, Kon. Dhon Bañez, Kon. Lara Abracero at SK Pres. Niño Caparas sa pamamagitan ng distribusyon ng mga starter kit na may mga buto ng okra, mustasa, sitaw, labanos, kang-kong, talong, at mga balde, trowel, hand fork at small sprayer sa 30 na Pangulo ng mga Parent-Teachers Association (PTA) ng mga public elementary schools, at 27 na Barangay Nutrition Scholars (BNS).