City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → PWDS, TUMANGGAP NG ASSISTIVE AT MEDICAL DEVICES

November 19, 2019

PWDS, TUMANGGAP NG ASSISTIVE AT MEDICAL DEVICES
Date: August 01, 2019
May kakaibang pitak ang PWDs sa puso ni Mayor Linabelle. Aniya, “Habang pinapalakas natin ang mga PWDs na maging aktibong kasapi sa ating lipunan, kailangan turuan ang mga walang kapansanan para sila’y maging disable-sensitive.” Nitong Hulyo 30, 2019, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Saluysoy Elementary School - SPED o Special Education, muling naipadama ng butihing Mayor ang kaniyang pagkalinga sa PWDs sa distribusyon ng assistive at medical devices sa mga estudyante ng paaralan na ngayon ay may pinakamalaking bilang ng nasabing PWDs. Tinanggap ng 130 na visually-impaired Meycaueños ang white canes, 130 abacus, 130 slate and stylus, at 13 reams na paper-based Braille habang ang 27 na physically disabled ang nakakuha ng wheel chairs at 26 na may sakit ang nabigyan ng nebulizers.

Dagdag pa ni Mayor LV, “Anupaman ang kanilang kapansanang pisikal o mental, kailangan ay may paggalang sa kanilang kakayanan.” Ginanap ang programa sa Meycauayan City Hall kasama sina Vice-Mayor Jojie Violago at mga miyembro ng Sanggunian na sina Kon. Kat Hernandez, Kon. Cathy Abacan, Kon. Cocoy Dulalia, Kon. Mario Aguirre, Kon. Cindy Paguio, Kon. Bunny ,Velasco, Kon. Mario Berboso, Kon. Dhon Bañez, Kon. Lara Abracero, Kon. Wilfredo Macatulad, at SK Pres. Niño Caparas.