City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → OMG! NUTRITION MONTH PATULOY ANG MISYON

November 19, 2019

OMG! NUTRITION MONTH PATULOY ANG MISYON
Date: August 06, 2019
Oh My Gulay! Korteng gulay ang kasuotan ng mga batang paslit ng Day Care, umusbong ang magulay na kulay sa mga krayola at water color ng mga kabataan ng 4Ps, at ang masustansyang labong, alugbati, saluyot at malunggay ay isa-isang tinikman ni Mayor Linabelle Villarica. Ilan lamang ito sa mga eksena sa masiglang pagtatapos ng selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon dito sa Meycauayan. Sa masusing pakikipag-ugnayan ng City Population Office (CPO), na pinamumunuan ni City Population Officer G.. Arsenio C. Sangalang, masasabing winning in tandem ang kanilang naging formula hindi lamang para sa matagumpay na selebrasyon ng culminating activity ng City Government noong July 31, 2019 kundi para sa pagpapatuloy na obserbasyon ng nutrisyon sa mga barangay ng lungsod.

Nakipag-ugnayan ang City Government sa 39 na Day Care Center ng Meycauyan para sa Well-Nourished Child competition, sa mga kasapi sa 4Ps para sa Poster-making and Tell kung saan ang artwork ng mga kabataan sa 4Ps ay ipinaliwanag ng kanilang mga Parent-Leader, at sa DepEd schools para sa cooking contest kung saan pinagpartner ang estudyante at guro para magluto ng mga katutubong gulay na magkakahalaga lamang ng PhP 150. Ang isang araw ng selebrasyon na tinaguriang: “KUMAIN NG WASTO AT MAGING AKTIBO…PUSH NATIN TO!” ay sinimulan ng Zumbalicious ng 160 na Mother Leader para sa promosyon ng aktibong lifestyle, at inaasahang magpapatuloy sa pamamagitan ng paligsahan ng mga Gulayan sa Barangay. Ang mga ipinamigay na mga buto ng gulay ng City Agriculture Office noong Hulyo 30, 2019 ay itatanim sa mga lupa ng barangay, imomonitor bawat buwan hanggang ito’y maani at mapakinabangan ng kanilang mga batang severely underweight. Inaasahan ng City Population Office na 90% ng mga barangay ay sasali sa paligsahang ito na may katapat na cash prize at magtatapos sa anibersaryo ng lungsod sa Disyembre. Ang nagwagi noong 2018 ay ang Brgy. Caingin.

Ang mga sumusunod ay ang mga napili ng mga hurado ng DepEd supervisors at ilang piling mga panauhin. Nagkamit sila ng mga cash prize mula sa ating LGU:

SEARCH FOR WELL NOURISHED CHILD 2019 WINNERS:

WELL NOURISHED CHILD 2019: KEISHA TAMARA A. SEMILLA – RICHMOND DAY CARE CENTER
1ST PLACE: SOLEHN MYLES S. GAY – RAINBOW DAY CARE
2ND PLACE: KEIZA JACE G. QUIWA – CALVARIO DAY CARE
BEST IN TALENT : LYRA CAMILLE S.M. DELA CRUZ – UBIHAN DAY CARE
BEST IN COSTUME: LOUVELLE ERA H. BERNARDO – LITTLE GRACE PARK DAY CARE

POSTER MAKING AND TELL WINNERS:
1ST PLACE: RUSTY DULAY –PAJO
2ND PLACE: MEXIECA ITALIA – ZAMORA
3RD PLACE: ADRIAN REBANO – IBA

COOKING CONTEST WINNERS:
1ST PLACE: LAWA ELEM. SCHOOL
MOTHER - JENNY LIBUNAO
SON - JAMES ANGELO LIBUNAO

2ND PLACE: LONGOS ELEM. SCHOOL
TEACHER – MARICRIS G. CASTELO
STUDENT – JIANNE BEATRIZA BERGANIA

3RD PLACE: CALVARIO ELEM. SCHOOL
TEACHER – CYNTHIA VERGEL DE DIOS ZAMORA
STUDENT – HENNESY MADOX S. OLIQUINO