City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MINI-TRUCK AT VAN, BIYAYANG TINANGGAP NG MTPB, BJMP AT CENRO

November 18, 2018

MINI-TRUCK AT VAN, BIYAYANG TINANGGAP NG MTPB, BJMP AT CENRO
Date: June 26, 2018
Bahagi ng kabuuang plano ng City Government of Meycauayan ng isang maayos at ligtas na Lungsod sa ilalim ng matatag na pamumuno ni City Mayor HENRY R. VILLARICA ay muling itong nagbahagi ng mga bagong sasakyan.
Noong Hunyo 18, 2018 sa City Hall Open Grounds sa pagsasaayos ng General Services Office (GSO) ay nag turn-over si City Mayor HRV kay G.Manolet I. Datan, MPA ng Bureau of Jail Management and Penology Meycauayan (BJMP) ng isang Midi Truck MP4 Single at isa namang Foton Gratour Mini-Truck kay Eufronicio P. Arcega ng Clamping & Truck Scale Task Force sa ilalim ng Meycauayan Traffic & Parking Bureau (MTPB) at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Head Cirilo Delos Santos na isang Mini Dump Truck. Kasama din sa larawan sina Paquito Ocampo at Jess Floro.