City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BOY/GIRL OFFICIALS 2019 SELEBRASYON NG BEST & BRIGHTEST NA MGA KABATAANG MEYCAUEÑO

November 19, 2019

BOY/GIRL OFFICIALS 2019 SELEBRASYON NG BEST & BRIGHTEST NA MGA KABATAANG MEYCAUEÑO
Date: August 08, 2019
Muling ibabalik nila Phoemela Arca R. Hernandez ng San Lorenzo Ruiz School, at ni Althea Jana Trinidad ng Meycauayan College ang susi at selyo ng lungsod bilang mga student-counterpart nila CITY MAYOR LINABELLE RUTH R. VILLARICA at CITY VICE-MAYOR JOJIE VIOLAGO bukas Agosto 9, 2019. Ang 42 na kabataang estudyante mula sa mga pribado at pampublikong high school ng lungsod ay opisyal na nagsimula sa kanilang mga tungkulin bilang BOY/GIRL OFFICIALS 2019 sa Meycauayan City Hall noong Agosto 5, 2019 na bahagi ng selebrasyon ng “Linggo ng Kabataan” na gaganapin hanggang Agosto 9, 2019.

Unang pinakilala ang mga kabataan sa mga kawani ng City Government sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa City Hall grounds kung saan pinagtapat ni Mayor LV na siya din ang napiling kauna-unahang Student Mayor ng kanilang bayan noong estudyante pa siya sa Banna, Ilocos Norte. Kaniyang pinahalagahan ang programang isinasagawa ng DILG, COMELEC at SK sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU. Dagdag pa niya, “ni sa hinagap ay hindi ko akalain na magiging Mayor talaga ako. Tulad ng mga batang ito, sila po ay maaaring maging mga susunod na lider ng ating bayan. Kaya naman sana po ay magagandang ehemplo ang makuha nila sa karanasan nila dito sa atin.”

Naging highlight sa schedule of activities ang paglalakbay-aral sa House of Representatives ng mga estudyante kung saan sila’y naging panauhin ng 4th District of Bulacan Representative Henry R. Villarica sa plenario. Sa loob ng isang linggo, sila’y dumaan sa mga public speaking at leadership seminar, namulat sa mga demonstration sa Traffic Enforcement at CCTV facilities, at nabahaginan ng appreciation para sa Heritage at History ng Meycauayan. Inaasahan na ang mga ibinahaging karanasan at mga aral sa mga kabataang Meycaueño ay magbunga ng mga responsableng mamamayan at lider sa kinabukasan.