City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → DAYCARE PTA COMMITTEE OFFICERS OATH-TAKING, THEY CARE …

November 19, 2019

DAYCARE PTA COMMITTEE OFFICERS OATH-TAKING, THEY CARE …
Date: August 09, 2019
Pormal nang nanumpa ang mga Day Care Parents’ Committee Officers 2019-2020 ng City of Meycauayan noong Agosto 8, 2019 sa Meycauayan Convention Center (MCC) sa harap ni City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA.

Ang pagtanggap ng mga magulang ng nasabing posisyon ay nagpapakita lamang ng kagustuhan nila na mapabuti ang ugnayan nila sa pamahalaan at daycare para mas maging maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak. Simula ito ng mas matibay pang pagsasama nila sa mga programa at proyekto ng mga Daycare sa lungsod.

Naroon din upang makibahagi sina Kon. Mario Berboso, Kon. Kat Hernandez, SK Federation President Niño Caparas at Vice-Mayor Jojie Violago Representative na si Mr. Dan Dave Abracero. Gayundin, sina Child Development Worker Reliever Cherrielyn Guevarra, Bancal Ext. Child Development Worker Jasmine Sta. Ana, Federation of Meycauayan DCW/CDW President Ma. Theresa H. Maquirang at koordinasyon ni CSWDO Head Vilma Rupac, RSW.