City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MEYCAUAYAN CLEARING & CLEANING OPERATIONS

November 19, 2019

MEYCAUAYAN CLEARING & CLEANING OPERATIONS
Date: August 14, 2019
BAKLAS-LINIS, SINIMULAN NA! MEYCAUAYAN CLEARING & CLEANING OPERATIONS Alas 8:00 ng umaga ng Agosto 14, 2019, ay umarangkada na ang “Clearing and Cleaning Operations” sa Meycauayan na pinangunahan ni MAYOR LINABELLE VILLARICA. Personal na tiniyak ni Mayor LV na matanggal ang mga illegal na nakaharang at nakabarang mga konstruksyon at istruktura sa main roads ayon na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at DILG Memorandum Circular No. 2019-121 at lokal Memorandum Circular No. 034-2019. Kaugnay dito, kailangan ang koordinasyon at patuloy na monitoring ng mga Barangay Officials sa kanilang nasasakupan. Kanina, sinuyod ang mga lugar ng Meymart Wet & Dry Market papuntang Bgy. Poblacion at Bgy. Zamora, at tumawid ng tulay papuntang Pacheco hanggang stoplight ng Bgy. Calvario sina Mayor LV kasama sina Vice-Mayor Jojie Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Lara Abracero, Kon. Mario Aguirre at Kon. Bunny Velasco. Naging katuwang din sa operasyon ang City Mayor’s Office, City Administrator’s Office, PNP, CENRO, CEEMO, MTPB, City Engineering Office, BPLO at CICRO. Ang pag-reclaim o pagbawi sa mga pampublikong daan ay pagpapatupad lamang ng batas upang mas magamit ito ngnakararaming publiko. Kailangan ng sustenidong pagpapatupad ng batas para mapanatiling maluwag, malinis, ligtas at maaliwalas ang mga daan sa tulong ng mga barangay at pakikiisa ng mga mamamayan.