City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → CITY OF MEYCAUAYAN, PASOK SA SGLG NATIONAL LEVEL!

November 19, 2019

CITY OF MEYCAUAYAN, PASOK SA SGLG NATIONAL LEVEL!
Date: August 19, 2019
Sa kauna-unahang pagkakataon ay umabot sa national level ng DILG Seal of Good Local Governance (SGLG) award ang City of Meycauayan sa taong 2019 sa pamamahala ni Mayor Linabelle Ruth R. Villarica. Kanina lamang ay dumating ang prestihiyosong SGLG national validation team na binubuo nina OIC Director Ms. Jonah V. Pino ng Lapu-Lapu City at LGOO VII-Cluster Head Jill A. Bao ng Siquijor kasama si DILG Provincial Director Darwin David ng Bulacan upang pangunahan ang validation. Ang pagkakamit ng SGLG ay simbolo ng integridad at maayos na pamamalakad ng pamahalaang lokal.

Ngayong Agosto 19, 2019 sa AVR Meycauayan City Hall ay sumailalim ang mga department heads ng pag-uuri sa kanilang gampanin sa mga sumusunod na larangan na nagsisilbing indikasyon ng mabuting pamamahala: (1) Financial Administration, (2) Disaster Preparedness, (3) Social Protection, (4) Peace and Order, (5) Business Friendliness and Competitiveness, (6) Environmental Management, at (7) Tourism, Culture and the Arts.

Wika ni City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica, “every LGU is bound by mandate to do well by the people they serve." At kaniyang pinaabot na sa kaniyang termino, "SGLG is the baseline of our performance." Ayon kay DILG CLGOO VI Officer Benjamin Lastrollo, kailangang isapuso ang core values ng SGLG na kanilang binansagang 3M o Matino, Mahusay, Maasahan na kagawaran. Buong suportang dumalo sina Vice-mayor Josefina O. Violago, City , Kon. Catherine C. Abacan, Kon. Mary Christine Z. Paguio, at Kon. Larissa DS. Abracero.