City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → ENFORCEMENT TEAM NI MAYOR LV, MABILIS ANG TUGON!

November 19, 2019

ENFORCEMENT TEAM NI MAYOR LV, MABILIS ANG TUGON!
Date: August 23, 2019
Walang kapagurang binaybay nina MAYOR LINABELLE VILLARICA at mga kasama ang mga daan ng Bgy.ng Calvario at Bgy. Saluysoy noong Agosto 20 at 22, 2019 para sa malawakang Clearing & Cleaning Operations ng pamahalaang lokal ng Meycauayan bunsod ng kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte at DILG Memorandum No. 2019-121.

Dahil dito ay nabuo ang ‘Anti-Obstruction Enforcement Team’ na binubuo ng mga tanggapan katulad ng City Mayor’s Office, City Administrator’s Office, PNP, CENRO, CEEMO, MTPB, City Engineering Office, BPLO at CICRO sa ilalim ng pamumuno ni Mayor LV upang ipatupad ang nasabing batas at gayundin ay agarang aksyunan ang mga isyu at problema sa barangay. Katuwang din sina Vice-Mayor Jojie Violago, mga Konsehal, at mga Punong Barangay. Namataan sina Kon. Cathy Abacan, Kon. Bunny Velasco, Kon. Atty. Lara Abracero at Kon. Mario Berboso, Calvario PB Apolinar Del Rosario at Saluysoy PB Crispin Lunaria sa magkasunod na operasyon.

Noong Agosto 20, 2019, nagsimula ang pagtatanggal ng mga konsruktura at istruktura sa pampublikong daan sa Mc Arthur Hi-Way paikot ng F. Dazo Street palabas ng Aliw Complex Hi-way ng Bgy Calvario. Inalis sa mga pampublikong daanan ang mga nakatayong sagabal na istruktura, nakausling bubong at mga signages, nakaharang na bakal, at mga lumang tarpaulin. Maging ang mga motorsiklo at sasakyan na naka-parking sa maling lugar ay na-clamp at napagsabihan ang mga may-ari. Maging ang nakausling signage ng Villarica pawnshop ay pinatanggal din ni Mayor LV.

Inatasan ng Punong Lungsod ang City Engineer na maglagay ng solar lamp posts sa Calvario Public Cemetery & Crematorium samantalang ang City Administrator na magtalaga ng security guard sa takdang araw upang tiyakin ang kaligtasan sa lugar. Kinausap din niya ang TODA ng Calvario at Saluysoy na aayusin ang kanilang mga terminal.

Noong Agosto 22, 2019 naman ay nagsimula sila Mayor LV sa Meycauayan College, tuloy-tuloy sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-way ng Bgy. Calvario papasok sa Bgy. Saluysoy at nagtapos sa Ngusong Buwaya. Ipinagpatuloy ang operasyon kung saan isang tindahan sa ilalim ng overpass ay pinatanggal, pinatibag din ang health center ng city government dahil natatakpan nito ang drainage. Nilinis din ang kapaligiran at tinanggal ang mga abandonadong mga sasakyan.

Kahanga-hanga naman ang ipinamalas na pagsunod ng mga tao na naging malawak ang pang-unawa sa isinasagawang nationwide operation. Bagaman may ilang naapektuhan, nakita nila ang determinasyon ng pamahalaan na ipatupad ang batas. Kaya bumuhos ang “Thumbs up”, “Like”, “Nice One” at “Good job Mayor” feedback mula sa netizens lalo’t-higit sa Meycaueños na karamihan ay humiling pa na barangay naman nila ang piliin sa susunod na operasyon. Inaasahan ang pakikiisa ng mga punong barangay para mapanatili na ligtas, maayos at malinis ang mga pampublikong daanan.