City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → SMILE! LIBRENG PUSTISO SAGOT KO

November 19, 2019

SMILE! LIBRENG PUSTISO SAGOT KO
Date: September 02, 2019
Mas maaliwalas na mga ngiti na ang makikita kina lolo at lola sa susunod na mga araw. Noong Agosto 23, 2019 ay sinukatan na sila para sa “Libreng Pustiso para sa Meycaueños” at nitong Setyembre 12, 2019 ay makukuha na ng 54 na Senior Citizens ang libreng pustiso o “dentures” handog ng Lingkod Kalinga Bulacan Foundation, Inc. (LKBFI) at mga tagapag-taguyod nito na sina Meycauayan City Mayor LINABELLE VILLARICA AT 4th District, Bulacan Congressman HENRY R. VILLARICA.

Nagpasalamat din ang LKBFI sa mga naging katuwang sa proyektong ito na si Mrs. Susan De Guzman, sa paggawa ng mga dentures at ang masisipag na dentists mula sa iba’t-ibang private hospitals and clinics na sina: Dra.. Mary Ann O. Nolasco, Dra. Olga Grace, Dra. Danny Custodio.