City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 2-DAY VOLLEYBALL CLINIC, PATOK SA MGA KABATAAN!

November 19, 2019

2-DAY VOLLEYBALL CLINIC, PATOK SA MGA KABATAAN!
Date: September 04, 2019
Umabot sa 150 na kabataang Meycaueño ang naturuan ng Volleyball Varsity Players ng De la Salle-College of St. Benilde (DLS-CSB) sa two-day volleyball sports clinic na tinawag nilang “Spikers Got Talent” na ginanap noong Agosto 17-18, 2019 sa Libtong Covered Court Libtong, City of Meycauayan. Marami sa mga kilalang voleyball players sa kolehiyo at nagiging kasapi sa Philippine National Volleyball Team ay mula sa DLSU kaya't pinaabot ni City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA sa mga coaches ng Blazers and Heroes Volleyball Program ng DLS-CSB na kung maaari ay maulit pa ito dahil binubuhay nila ang inspirasyon sa mga kabataang Meycaueño.

Sa koordinasyon ni Meycauayan SK Federation Pres. Niño Caparas,naging mag-aaral din ng DLSU, at ni CGMEA President Sherwin Adrian Medina, ay naabot ang mga kabataang atleta at mga volleyball players na kasapi ng SK sa mga barangay. Sila'y naturuan ng mismong mga coaches ng DLS-CSB volleyball program na sina: Ruvince O. Abrot, Ronley C. Adviento, Franz Emille O. Almonte, Jocil P. Villaueva, Ralph Martin M. Jose, Jordan P. Martinez, Russel C. Garcia, at Rynnel Mark H. Tolosa.