City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BAGONG PCCM BOARD OF TRUSTEES AT FACULTY, NANUMPA AT NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR LV

November 19, 2019

BAGONG PCCM BOARD OF TRUSTEES AT FACULTY, NANUMPA AT NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR LV
Date: September 04, 2019
Nanumpa ang bagong Board of Trustees (BOT) ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM), ang pampublikong kolehiyo ng lungsod, at kasunod nito’y nagpulong para sa kanilang kauna-unahang Board Meeting nitong Agosto 22, 2019 sa Session Hall ng Meycauayan City Hall at pagkatapos nito’y nag-courtesy call naman ang kanilang bagong faculty. Nanumpa ang mga sumusunod na trustees kay City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA na siya ring tumatayong PCCM Chairman of the Board: Hon. Catherine C. Abacan (SP Chairman for Education/OIC PCCM), Dr. Carmelita P. Sotto (President, ALCU Region 3), Dir. Jovencio M. Ferrer, Jr. (Provincial Director, TESDA Bulacan), Ms. Shiela S. Aringo (President, PCCM Faculty Association), Mr. Franz Paolo R. Camargo (President, PCCM Alumni Association), Ms. Darlien Jane G. Reyes (President, PCCM College Student Government), Ms. Pia Ramirez-Delos Satos (Member, City Administrator), Mr. Francisco M. Ocampo (Representative, Meycauayan Business Sector), at Atty. Bernard Joseph E. Domingo (Board Secretary).

Ilan sa highlights ng 1st Regular Board Meeting ay: ang pagdaos ng 16th Founding Anniversary ng PCCM, ang pagdadagdag ng mga TESDA courses at mga degree courses, at ukol sa mga tinanggap na mga bagong teaching at non-teaching staff. Sa courtesy call kay Mayor LV ng bagong mga guro, naipabatid nito na nakatitiyak siyang kalidad na edukasyon ang makukuha ng mga bata sa PCCM dahil sa maaalam nilang pagsagot sa tanong nito hinggil sa kanilang mga impresyon sa kolehiyo ng lungsod.

Kabilang sa dumalong working staff ng PCCM BOT meeting ay ang mga sumusunod: Admin Officer V Gerard M. Gaza, College Dean Dr. Reneliza C. Sta. Ana, OSA Directress Dr. Ma. Paz G. Contreras, HRDO Melissa T. Rodriguez, TESDA Coordinator Reina G. Javillonar, Finance Officer Grace C. Cleofas, Admin Aide VI Aireen I. Dizon, Admin Aide VI Myra M. Pestaňo.

At kabilang naman sa bagong faculty ng PCCM ay sina: Mr. Mark Daniel L. Baretto,Mr.Lorenz F. Geraldez, Ms. Karen B. Castro, Ms. Rhea H.Baltero, Ms. Jonaliza L. Antolin, Ms. Andrea T. Tayco, Ms. April Annie Joy L. Homoroc, Ms.Tracy Zyza D. Leopoldo, Mr. Mark Rowell T. Laurencio, Mr. Johnny R. Santos, Mr. Jobert C. Suarez, Ms. Elsbeth Olasiman, Ms. Mariel G. Capulong at Ms. Camille C. Baldivas.