City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 800 NA MEYCAUAYAN TODA MAYROON NANG PERMIT!

November 19, 2019

800 NA MEYCAUAYAN TODA MAYROON NANG PERMIT!
Date: September 25, 2019
Umabot na sa 800 na tricycle drivers ang mayroong Motorized Tricycle Operators Permit (MTOP) nang sa ikalawang pagkakataon sa serye ng pamamahagi ng MTOP, muling nadagdagan ng 300 ang mga kasapi ng TODA na nagawaran ng permit sa ilalim ng programa ni MAYOR LINABELLE Villarica noong Setyembre 18, 2019 sa Meycauayan Convention Center. Kung matatandaan, unang namahagi ng 500 na permits noong Hulyo 31, 2019.

Naging mabilis, maayos at konbinyente para sa mga bagong TODA permit-holders ang proseso anupa't mismong si Mayor LV ang nag-abot ng mga permit. Masaya nilang iniwagayway ang kanilang mga MTOP, stickers at plate stickers. Nakibahagi sa programa sina: Chairman ng Committee on Transportation Kon. Mario T. Berboso, Kon. Ching Macatulad, Kon. Niño Caparas, City Administrator Pia Ramirez-Delos Santos, BPLO Head Boy Tamayo, MPTB Head Gen. Buenaventura Viray, at MTPB Deputy Edwin Adina.