City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BIOSECURITY SEMINAR PARA MAGING LIGTAS ANG ALAGANG BABOY

November 19, 2019

BIOSECURITY SEMINAR PARA MAGING LIGTAS ANG ALAGANG BABOY
Date: September 25, 2019
BIOSECURITY SEMINAR PARA MAGING LIGTAS ANG ALAGANG BABOY

Upang harapin ang mga isyu tungkol sa African Swine Fever (ASF), ang City Veterinary Office ng Meycauayan ay naglunsad ng isang seminar para sa mga backyard swine raisers, ang “Backyard BioSecurity Seminar” noong ika-19 ng Setyembre, 2019 sa Meycauayan City Hall.
Dito ay 25 backyard swine raisers mula sa Bgy. Ubihan, Caingin, Pantoc, Pajo, Bagbaguin, Perez, Malhacan, Pandayan, Hulo, Banga at Longos ang nabigyan ng mga kaalaman sa pamamagitan nina Dr. Allan Salazar, Dr. TJ dela Paz, at Dr. Mitchie Salgado ng HIPRA Phils. Inc., isang veterinary pharmaceutical company.

Nagbigay sila ng guidelines upag mapanatiling ligtas ang mga alagang baboy.
Narito ang ilan sa mga dapat tadaan:
1.Bawal ang pagpapakain ng kaning-baboy o swill feeding;

2. Maglagay ng foot bath na may disinfectant para di makapasok ang mikrobyo sa lokasyon ng mga alagang baoy;

3.Iwasan an pagpapapasok ng ibang tao sa farm;

4.Palaging maglinis ng kamay, magpalit ng damit at mga sapatos/bota, mga kagamitan at sasakyan na ginamit sa farm.

Para sa dagdag na pag-iingat ng mga backyard raisers, nagpamahagi din sina Mayor Linabelle Ruth R. Villarica at City Veterinarian Dr. Imelda Arguelles ng mga sumusunod:

1.Bakuna - para sa Hog Cholera
-para sa Mycoplasma

2.Water soluble multivitamins
Water soluble vitamins and antibiotic

3.Dewormer

4.Disinfectant