City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BOW KAMI SA’YO KA POLLY, TAPAT NA TODA DRIVER!

November 19, 2019

BOW KAMI SA’YO KA POLLY, TAPAT NA TODA DRIVER!
Date: September 27, 2019
Kinilala ang katapatan ni HIPOLITO “POLLY” E. ACEDERA, tricycle driver ng Malhacan FLORO TODA sa flag raising ceremonies ng City Government of Meycauayan nitong Setyembre 23, 2019 sa City Hall at sa courtesy call nito kay Mayor Linabelle Villarica noong Setyembre 25, 2019. Ikalawang beses nang nagbabalik ng cell phone si Ka Polly at itong huli nga ay ang company cell phone ni Rosenne Angeli Soriano Balcora na nalaglag sa tricycle ni Ka Polly noong Setyembre 14, 2019. Kainaman ng sistema sa bagong zoning ng mga traysikel, madaling natunton ang TODA ni Ka Polly sa pamamagitan lang ng tinahak na rota. Kaya dagliang naibalik ang nawalang cell phone. Ang body number ng tapat na driver ay (B#047).

Sabi ng tubong Samar na siyam na taon nang naninirahan sa Meycauayan, “Pinalaki po kasi kami sa paniniwala na kapag hindi sa iyo ay huwag mong pag-iinteresan. Bata pa lamang po ako ay nabubuhay ako sa sarili kong pagsusumikap at pagtitiyaga.”

Ginawaran ng City Government ng Katibayan ng Pagkilala si Ka Polly at ilang insentibo mula sa Chairperson at Vice-Chairperson ng Komite ng Transportasyon na sila Kon. Mario T. Berboso at Kon. Cocoy Dulalia.