City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MEYCAUAYAN, HOST NG 2ND PROVINCIAL ADVISORY COUNCIL SUMMIT!

November 19, 2019

MEYCAUAYAN, HOST NG 2ND PROVINCIAL ADVISORY COUNCIL SUMMIT!
Date: September 28, 2019
“The City of Meycauayan, in cooperation with the Bulacan Police Provincial Office, is honored as your choice to host the 2nd Provincial Advisory Council Summit!” pabungad na bati ni Mayor Linabelle Villarica sa mahigit 250 na nagsilahok na mga kasapi ng mga advisory councils mula sa 21 mga bayan at 3 lungsod ng lalawigan ng Bulacan nitong Setyembre 27, 2019 sa Meycauayan Convention Center, Bgy. Poblacion.

Sa pagtitipon na may temang “Embracing Possibilities to Nurture Strong Partnership and Community Alliance Towards Institutionalization,” nagsidalo ang lahat ng mga Chief of Police ng Bulacan, at mga kasapi ng multi-sectoral na advisory councils ng mga kapulisan ng lalawigan. Mainit silang sinalubong ng mga kasapi ng Sangguninang Panglungsod sa pangunguna ni Vice-Mayor Josefina O. Violago kasama sina Kon. Arnaldo R.Velasco, Kon. Mario Aguirre, at Kon. Atty. Larissa DS. Abracero at ng liga ng mga barangay ng Meycauayan, para ipadama ang mataas nilang pagpapahalaga sa ugnayan ng komunidad at sa mga tagapagpairal ng kapayapaan at kaayusan.

Naging pagkakataon ito para masuri ang isang taon na pagpapatupad ng mga plano at programang inilahad sa 1st Provincial Advisory Council Summit na ginanap noon sa San Rafael, Bulacan. Binigyang diin ng mahalagang panauhin na si PBGen Sterling Raymond P. Blanco, Direktor ng PNP Center for Police Strategy Management (CPSM) na mula nang itanghal ng Institute for Solidarity in Asia noong July 15, 2019, na ang Performance Governance System ng PNP ay “institutionalized,” naging hudyat ito na tinatatahak na nila ang roadmap para sa ganap na transpormasyon nito hanggang sa taong 2030.

Naghandog ang mga heneral ng Plake ng Pagkilala kay Mayor LV na nagwikang kailangang buhayin pa ang partisipasyon ng mga advisory councils ng iba’t ibang bayan at palakasin pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pulisya dahil bahagi sila ng mataas na layuning nakasaad sa PNP Vision na, “in partnership with a responsive community— they shall be a highly capable, effective and credible police service working towards the attainment of a safer place to live, work, and do business.” Pinabatid niya na sa Meycauayan, sumusuporta ang city government sa pagtatatag ng “Bahay Pagbabago,” donasyon ng mga Hi-lux na patrol cars at patrol motorcycles, mga two-way radios, computers, mga body cameras at iba pa.

Kabilang sa mga mahahalagang panauhin sa summit sina: PBGen Leonardo M. Cesneros, Deputy Regional Director for Operations, PRO3; PMGen Felizardo M. Serapio, Jr. (Ret). NAPOLCOM Commissioner; PBGen Noel Baraceros (Ret.), former Director of CPSM; Police Col. Victor V. Arevalo, Deputy Director (CPSM); PBGen Rex Dolino (Ret.), former Director of CPSM; PBGen Ferdinand G. Sevilla (Ret.), former Director of CPSM and Vice-President of PPSC na nagbigay din ng inspirational message, at sina Police Col. Chito G. Bersaluna; PSupt Aquino Olivar, PNP Chief of Meycauayan.