City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → WORLD-CLASS MEYCAUAYAN SPORTS COMPLEX, NAG-GROUND BREAKING NA!

November 19, 2019

WORLD-CLASS MEYCAUAYAN SPORTS COMPLEX, NAG-GROUND BREAKING NA!
Date: October 09, 2019
Isinagawa ang ground-breaking ceremonies para sa kauna-unahang pampublikong sports center sa City of Meycauayan na magkakaroon ng track and field oval with sports rubber flooring, gymnasium na may basketball, badminton at tennis courts, eco-tourim park na may bridge over lagoon, evacuation center, offices, atbp. sa mahigit kumulang na 2 ektarya (22,065.78 square meters) na land area sa Governor Licaros Avenue ng Bgy. Banga, City of Meycauayan nitong Oktubre 9, 2019.

Ang dream project na ito na sinimulan nila Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA at Cong. HENRY R. VILLARICA ay tinatayang matatapos sa 1st quarter sa taong 2021. Kasabay ng rehabilitasyon ng kalye at drainage sa Licaros Ave. ang pagpapatayo ng kakaibang perimeter fence dahil ang itataas ng isasagawang gym ay aabot ng 3 metro mula sa drainage system ng kalye.

Sa seremonyang nabanggit ay ipinaliwanag ni City Engineer Gil Maglaqui ang mga katangian ng proyekto, at nilagdaan ng Punong Lungsod ang kopya ng plano ng sports complex na isinilid sa time capsule at ibinaon sa lupa. Ang okasyon na puno ng pag-asa para sports and recreation sa lungsod ay sinaksihan ng mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod na pinangungunahan ni Vice-Mayor Josefina O. Violago, mga Punong Barangay ng Meycauayan, at Department Heads ng city government. Isa ito sa mga unang hakbang sa pag-aangat sa Meycauayan bilang highly-urbanized green city kung saan maaaring malayang makapaglalaro ang mga bata, makapamamasyal ang senior citzens, at malilinang ang galing ng ating mga atleta.