City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → ANTI-RABIES PROGRAM NG MEYCAUAYAN, TUMANGGAP NG PARANGAL!

November 19, 2019

ANTI-RABIES PROGRAM NG MEYCAUAYAN, TUMANGGAP NG PARANGAL!
Date: October 10, 2019
Iprinisenta kay Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA ni City Veterinarian Dra. Imelda Arguelles ang kanilang natanggap na award bilang isa sa mga Best Rabies Program Implementers in Region 3 mula sa National Rabies Prevention and Control Program ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa kanilang courtesy call Oktubre 1, 2019. Kinilala naman sila noong Setyembre 30, 2019 sa Bulwagan ng Karunungan, Department of Education Complex, Meralco Avenue, Pasig City.

Kaugnay ng selebrasyon ng World Rabies Day, umabot sa 405 na aso’t-pusa ang nabakunahan ng City Veterinary Office sa koordinasyon kay Grand Knight Engr. Rene Cruz at mga kasapi ng Knights of Columbus Council 3941 noong Setyembre 28, 2019 sa St. Francis of Assisi Patio ng Bgy. Poblacion. Ipinatupad din nila ang “ Pet Ko Mahal Ko ” na may libreng spay & castration (pagkakapon) at libreng Anti-Rabies vaccination. Namahagi din ng freebies na Bayer soap at Meow Mix cat food (wet & dry) sa lahat nakibahagi sa spay & castration at vaccination nitong Oktubre 3, 2019 sa Meycauayan Convention Center (MCC) at noong Oktubre 4, 2019 sa Covered Court sa Bgy. Perez. Umabot sa 208 ang naserbisyuhang pets sa koordinasyon sa Philippine Pet Birth Control Center Foundation (PPBCCF).

Tuloy-tuloy pa rin ang mga programa ng City Government of Meycauayan ukol sa rabies prevention at sa ngayon ay tinatayang umabot na sa 1,782 na alagang aso’t pusa ang naserbisyuhan mula Hulyo hanggang Oktubre 2019.