City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BOODLE FIGHT NG ASF-FREE PORK DISHES!

November 19, 2019

BOODLE FIGHT NG ASF-FREE PORK DISHES!
Date: October 10, 2019
Umuwing masaya at busog ang mahigit 500 na nakisalo sa “BOODLE FIGHT" na handog ng Meycauayan Meat Dealers sa pakikipag-ugnayan sa City Government of Meycauayan nitong Oktubre 9, 2019 sa Meycauayan Convention Center (MCC). Sa presidential table, kasama ang mga meat dealers, game na game sa sabayang kamayan sina City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA, at 4TH District Rep. HENRY R. VILLARICA, mga kasapi ng konseho at mga 26 na punong barangay dahil ang Meycauayan Pork ay ASF-Free! Inihain ang 11 lechon at pork dishes ng 14 na meat dealers kabilang na dito sina: Marwidell Wage, Dante Palomares, Gaspar Palomares, Jr., Crispin Sebastian, Celso Cardenas, Elisa Rivero, Noemi Delos Reyes, Andy Delos Reyes, Celso Cardenas, Renansito Palomares, Francis Lapig, Marilyn Francisco, Rhona Canter at Charmaine Palomares.

Mga nakisalo sina Vice-Mayor Josefina O. Violago, Kon. Mario A. Aguirre, Kon. Mary Christine Z. Paguio, Kon. Mario T. Berboso, Kon. Atty. Larissa DS. Abracero, at Kon Wilfredo DS. Macatulad. Nakibahagi din sina Mr. Mateo Puatu-Rep Regional Office of National Meat Inspection Service (NMIS), Managers ng mga Pamilihan na sina Mr. Rodrigo San Pedro (Meymart), Ms. Raquel Lobo (People’s Market), Ms. Len San Andres (Fortune Market), mga Punong Barangay kasama ang apat (4) sa kanilang mga ka-barangay, TODA members, 4Ps, Grades 5 at 6 Zamora Elementary School students at School Department Heads.