City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → JUSTICE BILIS, HINDI JUSTICE TIIS!

November 19, 2019

JUSTICE BILIS, HINDI JUSTICE TIIS!
Date: October 23, 2019
Ngayon lang po nangyari na mga abogado at huwes pa ang nagpunta sa amin dito sa BJMP upang tulungan kami sa aming mga kaso.” ayon ito sa isang Meycauayan inmate na kabilang sa mga naserbisyuhan ng kauna-unahang free legal assistance sa BJMP ng lungsod.

Walumpu’t anim (86) inmates ang dumulog sa iialim ng proyektong “JUSTICE BILIS, HINDI JUSTICE TIIS!” A Legal Aid Bonanza ng City Legal Office (CLO) noong Oktubre 11, 2019 sa BJMP Facility. Ito ay sa koordinasyon sa Tanggapan ni City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA, kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Jail Chief Insp. Jun Teddy G. Madria, sa Public Attorney’s Office at sa Integrated Bar of the Philippines - Gat. Marcelo H. del Pilar, Bulacan Chapter. Apat na raan at anim (406) na inmates naman ang tumanggap ng lecture tungkol sa Plea Bargaining, R.A. 9165 Comprehensive Drugs Act, Parole & Probation, at Good Conduct Time Allowance mula kay Judge Rowena Rama-Chavez.

Nakakita ng kaunting liwanag ang mga inmates nang maging si City Mayor Linabelle ay dumalaw upang makita ang kanilang kalagayan, ayon sa kanya “ Gusto naming malaman ninyo na hindi po namin kayo nakakalimutan kaya nag- imbita po kami ngmga abogado na tutulong sa inyo dahil nais din namin na maranasan ninyo ang maayos na buhay bilang Meycaueňo .”

Ayon kay Acting City Legal Officer Atty. Bernard Joseph E. Domingo, Atty. Hanna Kathrina Magkasi-Lunaria, Atty. Jackelyn Joy B. Pernitez, At Atty. Mariedel P. Tambis, na puro mula sa CLO, ay hindi lamang legal kundi maging personal counseling services ang naibigay nila sa mga BJMP detainees.

Malaki ang pasasalamat ng mga Meycaueňo sa mga nagbigay ng free legal assistance at lectures na sina: MTC Judge ng Paombong Lecturer- JUDGE ROWENA RAMA-CHAVEZ, mula Integrated Bar of the Phiippines (IBP) - Bulacan ay sinaBulacan Chapter President ATTY. ANEL MARTIN S. ANTERO, Director & Dean of College of Criminal Justice ATTY. JOSEPH M. INOCENCIO, Past Pres. ATTY. ARNI R. TOPICO, Dir. ATTY. MICHAEL SAJOR, Past Legal Aid Dir. ATTY. TRICIA S. SANTOS, Vice–Pres.&Commissioner ROBERT S. MARTINEZ, Past President ATTY. ANSELMO “BOY” SAMONTE,Exec. Dir. For Legal Aid Affairs ATTY. ROBERTO B. ULTADO, JR., mga Legal Aid Volunteersna sina ATTY JOHN MICHAEL TIPON, ATTY. CHRISTIAN PETER BAUTISTA, ATTY. MARIA KATERINA G. BUSTAMANTE M.D., Staff na si MS. BRIGIDA F. OASAY, ang Public Attorney’s Office (PAO) lawyers na sinaATTY. BERNARD JONATHAN, GATCHALIAN, ATTY. CHESTER D. NATIVIDAD, ATTY. HANNA CLARISS QUIAMBAO.