City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → SALAMAT SA POW SA MEYCAUAYAN

November 19, 2019

SALAMAT SA POW SA MEYCAUAYAN
Date: October 23, 2019
Umabot sa 496 ang inaasahang makakatanggap ng kanilang mga passport sa darating na mga araw dulot ng programang Passport On Wheels (PoW) sa Meycauayan na ginanap sa Convention Center ng Meycauayan sa pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs ng City Government of Meycauayan nitong ika-22 ng Oktubre 2019. Tiniyak ng mismong Punong - lungsod Linabelle Ruth Villarica ang kaayusan ng proseso at namataan siyang nakikipag-ugnayan sa mga paslit na ikinukuha ng passport ng kanilang mga magulang. May karamihan din sa mga aplikante na senior at malumanay namang pinauna sila ng iba pang mga aplikante. Wika ni Mayor LV, "yan ang pakinabang sa PoW, kung puwede lang kahit buong pamilya ikukuha mo na ng passport dahil hindi mo na sila dadalhin pa sa malayo para mag-apply. Mas dumarami ang pagkakataon na makapag-travel nang magkakasama."