City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MEYCAUAYAN FAMILYMPICS 2019

November 19, 2019

MEYCAUAYAN FAMILYMPICS 2019
Date: October 23, 2019
Umarangkada ang kasiyahang pampamilya FAMILYMPICS 2019 na may temang “ Tungo sa Maginhawa, Matatag at Panatag na Pamilyang Pilipino” bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Family Week noong ika-11 ng Oktubre 2019 sa Meycauayan College Annex Gymnasium, Malhacan. Alinsunod sa “Presidential Proclamation No.60, s. 1992” idinaos ng Meycauayan Child Development Center sa ilalim ng CSWDO ang makulay at masayang aktibidad upang mapalakas pa ang pagkakaisa at ugnayan ng pamilyang Meycaueno. Naging pagkakataon din ito para mapasalamatan ng Punong Lungsod Linabelle Ruth R. Villarica ang mga Child Development Workers ng lungsod para sa matagumpay na pagdiriwang ng Family Week.

Ang mga nagwagi sa mga paligsahan ay ang mga sumusunod: Limbo Rock-Single Player (Father) – Benjar Loya (Langka Day Care Center), Chinese Garter-Single Player (Mother) – Precious Penaflor (Bright Angel Day Care Center), Shoot the Ball – Single Player (Day Care Child) – J-Ruwie Gulariza (Pajo Day Care Center), Maria Went To Town (Group Games) – Empress Mae Elesio (Bagbaguin Day Care Center), Battle & Straw Relay (Group Games) – Maridel Primadera (Metrogate Day Care Center), Stack & File Relay (Group Games) – Lian Anne Kate Sta. Ana (Malhacan I Day Care Center).