City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 74 NAGKATRABAHO AGAD SA PESO JOB FAIR!

November 19, 2019

74 NAGKATRABAHO AGAD SA PESO JOB FAIR!
Date: October 24, 2019
Pasok agad sa trabaho ang 74 kwalipikadong aplikante na nakibahagi sa naganap na “Jobs & Livelihood Fair” ng City Public Employment Service Office (PESO) noong ika-4 ng Oktubre, 2019 sa Meycauayan Convention Center (MCC) Bgy. Poblacion, City of Meycauayan na dinaluhan ni City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA, DOLE Field Office Provincial Director Ms. May Lyn Gozun, Senior Labor & Employment Officer-DOLE Field Officer Mr. Larry Villanueva, at Provincial Youth & Sports Public Employment Service Office (PYSPESO) Project Development Officer Mr. Carlos Yabut sa ilalim ng pakikipag-ugnayan ni PESO Manager Josefina C. Geslani, Ph.D.

Mula sa 165 na nagrehistro ay 74 ang hired on the spot ng 42 na kumpanya na nakibahagi sa nasabing aktibidad. Ang mga kumpanya tulad ng Fast Service Corp. na isang logistics, toll services, BPO operations at IQ packaging Systems, Inc. at Villarica Pawnshop ay ilan sa nagpasok agad sa trabaho sa mga dumalong aplikante. Samantalang ang Benby Enterprises Inc. na isang distribution at marketer company ng branded food products tulad ng Ferrero, Hershey’s at Mars, ang SteelAsia Mfg. Corporation, isang steel bar producer, at ang Styrotech Corp. na manufacturer, distributor at retailer ng foamed polystyrene products, ay kabilang naman sa mga nakakuha ng mga kwalipikadong aplikante na maaari nilang tanggapin at gawing empleyado.

Kasabay nito ay 28 participants ang natuto ng mga pangkabuhayan na Balloon & Flower Arrangement sa pagtuturo ni Ms. Margarita P. German, at 20 participants naman sa Candle Making sa pagtuturo ni Ms. May Grace dela Merced, kapuwa mga trainor mula sa TESDA.

Sa mensahe ni Mayor LV sinabi niya na hangad niya na marami ang mabigyan ng trabaho at pagkakakitaan sa programang ito ng Meycauayan PESO na kaagapay ng DOLE at TESDA upang matulungan ang mga kababayan na nangangailangan ng trabaho. Kasamang sumuporta sina Vice Mayor Jojie Violago at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod.