City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → RESPONSIBLE PARENTHOOD & FAMILY PLANNING CARAVAN: “Pista ng Pamilyang Planado”

November 19, 2019

RESPONSIBLE PARENTHOOD & FAMILY PLANNING CARAVAN: “Pista ng Pamilyang Planado”
Date: October 24, 2019
Tunay na mala-piyesta ang isinagawang Responsible Parenthood & Family Planning (RPFP) Caravan hindi lamang dahil sa napuno ng sayawan, kantahan, banderitas at booth ang Meycauayan Convention Center (MCC) kundi nabusog ng kaalaman ang mga 205 family planning acceptors o mga nanay at tatay dala ang kanilang mga maliliit na anak mula sa ika-4 na Distrito ng Bulacan (City of Meycauayan, Obando, Marilao at Sta. Maria), 84 na City/Municipal Population Workers, Barangay Population Workers, Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) at iba pang officers, pati na 16 RPFP Project Team and Staff na natuto lahat sa kahalagahan ng isang planadong pamilya.

Bilang isang datihan nang Reproductive Health advocate ipinaalam ni City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA na suportado niya ang programa at nais din niya na ipagpatuloy ito sa Meycauayan sa mga susunod pang taon katuwang ang kanyang kabiyak na si Cong. HENRY R. VILLARICA sa malaking katuwaan nina POPCOM REGION III, Regional Director (OIC) Vcky Barbea Dela Torre at National Program on Population and Family Plannng (NPPFP) National Project Team Head Rosalinda D. Marcelino. Ganap na sumuporta din sa family planning caravan sina Vice-Mayor Jojie O. Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Atty. Lara Abracero, at SK Fed. Pres. Niño Caparas. Hinandugan ng paintings mula kay G. Sherwin Gonzales at certificate of appreciation sina Mayor LV at ang keynote speaker Rosalinda D. Marcelino.

Sa koordinasyon ng City Population Office na pinangungunahan ni City Populaton Officer Arsenio Sangalang, ang POPCOM Region III, NPPFP ay nagbigay ng mga libreng serbisyo sa iba’t ibang mga booths: Pills, Condoms, No Scalpel Vasectomy (NSV) interview and referral, Bilateral Tubal Ligation (BTL) interview and referral, Intra Uterine Devices (IUD) interview and referral, Implants interview and referral, Injectibles at Natural Method counseling.