City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → SENIORS AT SENTENARYOS PANALO SA TAWAG NG ALLIANCE PART III

November 19, 2019

SENIORS AT SENTENARYOS PANALO SA TAWAG NG ALLIANCE PART III
Date: October 29, 2019
Lahat panalo sa kagaganap lamang na programa ng Meycauayan City Senior Citizens Alliance sa Meycauayan Convention Center sa Poblacion noong Biyernes 25 ng Oktubre, 2019 na pinamagatang "Tawag ng Alliance Part III - Talent ni Lolo, Talent ni Lola.” Pinarangalan din ang mga Sentenaryong Meycaueños sa naturang okasyon. Mga lolo't lola na humataw sa sayaw at nagpasiklaban sa costumes nag-uwi ng mga sumusunod: 50k sa Dance Contest Grand Winner mula Bgy. Zamora, 30k sa 2nd Placer mula Bgy. Calvario at 20k sa 3rd placer mula Bgy. Malhacan. Samantalang tig-8k ang iba pang dance group entries. Sina Lolo King si G. Erico Orot (Perez) at Lola Queen Miriam Pancho (Perez), wagi din ng tig-5k habang tig-P500 naman ang iba pang contestant. Wika ni Mayor LV, “Isang malaking pasasalamat na kapiling din natin ang mga Sentenaryo dahil patuloy silang nagiging inspirasyon at patnubay ng bawat isa.” Sa kaniyang pamamahala, ang mga Sentenaryong Meycaueño na tatanggap ng tig-100k mula sa DSWD Region III ay inunahan nang dagdagan ng 50k ng Meycauayan City Government. Ang mga kinilalang Sentenaryo ay sina: Leonora Cabiga, dalaga, 100 & 3 mos. ng Bgy. Calvario (kinatawan ng kaniyang mga kapatid: Ernesto at Fernando Cabiga); Flora San Diego 100 taong gulang mula Ana Maria, Iba (kinatawan ng mga anak: Ma. Imelda San Diego, Marina San Diego-Bonnit); Rosalia Zacaria, 100 at 9 mos. mula Bgy. Bayugo (kinatawan ni Norma Zacarias-Punzalan); Josefa Jurado, 100 taong gulang mula Salusoy (Kinatawan ng anak: Romulo at Efren Jurado).

Tunay na walang umuwi ng luhaan dahil nagpa-raffle pa si Mayor Linabelle Villarica at naghandog ng loot bags sa lahat ng Senior Citizens na dumalo. Binahagi din ng mga kaanak ng mga Sentenaryong Meycaueños na ang sikreto nila sa mahabang buhay: kumain ng gulay, maging aktibo sa gawain, umiwas sa bisyo at manatiling mabait at walang kaaway.

Nakisaya sa makabuluhang okasyon sina Cong. HENRY R. VILLARICA, Vice-Mayor Jojie Violago, at mga miyembro ng Sanggunian na sina Kon. Cathy Abacan, Kon. Cindy Paguio, Kon. Mario Aguirre at Kon. Niño Caparas upang makisaya sa programa. Buong puso naman ang pasasalamat nina CSWDO Head Vilma Rupac, RSW & staff, SC Federation Pres. Nini Marin & Officers, at OSCA Head Angel A. Pedro, Jr. sa mga nakiisa at dumalong mga hurado, barangay captains, barangay presidents at members ng Senior Citizens.