City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MAYOR VILLARICA, ITINAAS ANG MEYCAUAYAN SA NAKUHANG SGLG AWARD!

December 05, 2019

MAYOR VILLARICA, ITINAAS ANG MEYCAUAYAN SA NAKUHANG SGLG AWARD!
Date: November 05, 2019
Kabilang ang City of Meycauayan sa mga pinarangalan ng Department of the Interior and Local Good Government (DILG) ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) ng 2019 sa awarding ceremonies ngayong ika-5 ng Nobyembre 2019 sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Sa kabuuan ay 17 Provincial Governments, 57 City Governments, at 306 Municipal Governments ang nagkamit ng pinakamimithing parangal na nagsisimbolo ng tapat, maayos at mahusay na pamamahala bilang isang lokal na gobyerno. Sa naturang okasyon ay kasama ni City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA si Cong. HENRY R. VILLARICA, dating Punong-Lungsod, na mula't sapul ay kinilala na niyang nagpasimuno ng rehabilitasyon sa mga palakad at programa ng city government para sa ganap na ikabubuti ng mga Meycaueños. Kinikilala din ni Mayor LV na kailangan pa din ng ibayong sigla sa kagawaran at makabuluhang partisipasyon ng mga Civil Society Organizations para magtuloy-tuloy ang nasimulang mga pagbabago.

CONGRATULATIONS po sa ating lahat!