City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → LANGKA BRIDGE, BUKAS NA!

April 08, 2020

LANGKA BRIDGE, BUKAS NA!
Date: January 20, 2020
Binuksan na ang Langka Bridge noong Enero 17, 2020 sa Brgy. Langka, Lungsod ng Meycauayan.

Pinangunahan ni Punong Lungsod LINABELLE RUTH R. VILLARICA kasama si Cong. Atty. HENRY R VILLARICA ang pag-cut ng ribbon sa mahalagang okasyon. Sa programa, sinabi ni Langka Brgy. Kap. Ronaldo E. Moraga, “ 30 years na pong walang pumapansin sa luma at marupok naming tulay. Tanging sina Mayor LV at Cong. HRV lamang po ang nagbigay-pansin dito. At ngayon nga po, mula sa badyet ni Mayor Linabelle ay naipaayos na po ito. Maraming, maraming salamat po!”

Dumalo din sina Vice Mayor Jojie Violago, at sina Kon. Cathy Abacan, Kon. Cocoy Dulalia, Kon. Mario Aguirre, Kon. Dhon Bañez, Kon. Lara Abracero, at Kon. Niño Caparas. Mula naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bulacan 2nd Engineering Office ay naroon din sina Chief of Maintenance Engr. Edgardo “Pogs” Pingol at Chief of Construction Engr. Alfred Hernandez. Naroon din ang ilang deparment heads at Barangay Captains.