City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → GO BAG: Employee Preparedness sa City Hall

February 24, 2020

GO BAG: Employee Preparedness sa City Hall
Date: January 21, 2020
Namigay ng GO BAG o emergency preparedness bag sa mga 480 kawani ng City Hall ng si City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA ngayong Enero 20,2020 matapos ang flag raising ceremony dito.
Ipinaliwanag ni DRRMO1 Jacqueline Silva ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Meycauayan ang mga laman at gamit ng basic survival tools ng Go Bag. Aniya'y dadagdagan pa ito sa darating na mga araw. Sa kasalukuyan ang mga nilalaman nito ay ang sumusunod: water proof bag, hard hat/ helmet, duct tapes, glow sticks, head lamp, emergency thermal blanket, multi tool, whistle, paracord bracelet, at batteries. Ang kalamidad ay maaaring maganap kahit saan at kahit kalian kaya mahalaga na lagi tayong handa.

GO BAG
water proof bag- para mapanatling tuyo ang gamit
hard hat/ helmet-pag-iingat sa mga bumabagsak na debris
duct tapes- dressing sa bandages, proteksyon sa sugat, pangayos ng leak ng bubong/repair ng tirahan, pangayos sa sirang damit, sapatos, improvised tourniquet, etc.
glow sticks- lighting device, flashlight, perimeter alarm/signaling for alarm
head lamp-lighting device
emergency thermal blanket-para manatiling warm ang katawan/ iwasan ang hypothermia
multi tool-swiss knife, can opener, etc.
whistle-signalling device sa panahon ng distress, pagkuha ng atensyon sa karamihan ng tao,may international whistle code na: 1 whistlle blow (“Where are you?” in outdoors); 2 whistle blows (“Come to me”); 3 whistle blows ( emergency “I need help!”).
paracord bracelet-building traps, fishing, climbing/hiking, pagtahi, paggawa ng shelter, pagtali ng mga bagay, etc.
batteries-para sa mga flashlight