City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → FOOD SAFETY ACT SEMINAR

February 24, 2020

FOOD SAFETY ACT SEMINAR
Date: January 22, 2020
Isinagawa ng City Veterinary Office (CVO) ang “4th Annual Butchers/Meat Traders Seminar” kung saan 125 butchers (matansero) at meat dealers/traders ang dumalo upang mas maintindihan pa ng mga ito ang Food Safety Act o R.A. 10611, sa City of Meycauayan Convention Center (CMCC) noong Enero 20, 2020.
Ayon kay Dr. Orlando Ongsotto, CESE, kasalukuyang Acting Director 2 ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region 3, nararapat na mapalakas ang food safety regulatory system at siguraduhin na malinis at ligtas ang karneng inihahain sa merkado lalo na ngayon na nananatili ang City of Meycauayan na “ASF-Free” o African Swine Fever - Free.
Kinilala ni Mayor Linabelle Ruth R. Villarica ng Meycauayan LGU ang pakikipagtulungan ng MEYMART Slaughterhouse at si G. Reynaldo Regalado sa pagsunod sa Animal Welfare Act sa nasabing okasyon. Kinilala din ang mga bagong upong pamunuan ng Meycauayan Butchers Association (MBA) sa pangunguna ni G. Beltran L. Buenaventura.
Sa nasabing seminar, nagkusa na din ang CVO sa pangunguna ni City Veterinarian Dra. Imelda Arguelles na anyayahan ang Social Security System (SSS) rep na si Ms. Cita Bautista para sa mga benepisyong makakamit ng mga nagtatrabaho sa bahay-katayan.