City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → DOTr SEC. TUGADE NAGLUNSAD NG MODERN JEEPS SA MEYCAUAYAN

September 18, 2020

DOTr SEC. TUGADE NAGLUNSAD NG MODERN JEEPS SA MEYCAUAYAN
Date: January 24, 2020
Dumalo si mismong SEC. ARTHUR TUGADE ng Department of Transportation at iba pang mga katuwang nito sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng DOTr sa paglulunsad sa Common Terminal ng Meycauayan ng 30 sasakyan ng Pasang Masda (PM) kahapon ng umaga, ika-23 ng Enero, 2020. Inilahad niya na sa mabuting pakikipag-ugnayan sa mga manufacturing partners nito ay mapapababa pa ang boundary ng mga jeep na kadalasan ay PhP1800 bawat araw sa halagang PhP500 na lamang bawat araw.
Wika naman ni Ahmed G. Cuizon, Region 3 Director ng LTFRB, na isa itong milestone para sa Meycauayan dahil tumutuntong ito sa pamantayan ng mga world class city sa pagsuporta nito sa sa inisyatiba ng Pasang Masda na nakiisa sa PUV modernization program ng national government. Ang mga aircon PM Jeeps na pinahintulutan ni Meycauayan Mayor Linabelle Ruth Villarica sa rotang Meycauayan to Malolos ay may minimum fare lamang na PhP 11.00.

“Ang sa akin, doon tayo kung saan panalo ang mga residente ng Meycauayan. Hindi lang po makabago kundi eco-friendly pa ang mga jeep na ito dahil gumagamit daw po ito ng malinis na euro-4 diesel engine kaya halos zero emission po ito, “ wika ni Mayor LV. Sa modern jeeps, naipapatupad ang Clean Air Act, locally manufactured, may WiFi, CCTV, aircon, at kayang magsakay ng 22 na pasahero. Kinilalala nitong “Tagadala ng makabago at nakagiginhawang balita sa mga Meycaueño si Sec. Tugade,” dahil sa kaniya din umano lumapit ito para maisama ang Meycauayan bilang istasyon ng PNR sa Tutuban to Clark railway system.”

Sa PUV Modernization Program, hindi lamang layunin ang phase-out ng mga 15 taon paitaas na mga jeep sa kalsada, kundi paglalatag ng bagong sistema ng operasyon ng pampublikong transportasyon. Binigyang diin ni LTFRB Chair Martin B. Delgra, III na, “consolidated ang prangkisa at may fleet management kung saan hindi lang serbisyo-publiko ang umaangat kundi pati kabuhayan ng mga drivers at operators.” Ayon sa Presidente ng Pasang Masda, Obet Martin, na magaan ang lending terms ng LandBank sa programa. Sa interest rate na halos 6% lamang at 7 years to pay, tiniyak niyang kayang-kaya ito ng mga operators na katulad niya kaya naman itinuturing na inspirasyon sa iba ang kanilang halimbawa.