City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → TAAL RELIEF OPERATION: MAY KABALIKAT KA SA MEYCAUAYAN

April 03, 2020

TAAL RELIEF OPERATION: MAY KABALIKAT KA SA MEYCAUAYAN
Date: January 24, 2020
Lulan ng convoy mula sa City of Meycauayan, nakarating ang relief mula sa Meycauayan LGU, na sinamahan din ng mga donasyon mula sa mga Meycaueños, sa Batangas City nitong nagdaang Miyerkules Enero 22, 2020. Pinangunahan ito nina Congressman Henry R. Villarica at City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica at mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan: Vice Mayor Jojie Violago at mga Konehal Cathy Abacan, Cindy Paguio, at Lara Abracero. Kasama din sina City Administrator Pia Ramirez delos Santos, BPLO Chief Boy Tamayo, at CDRRMO OIC Juliet dela Cruz at GSO Head Tina Pineda, sampu ang kanilang mga staff. Ang seguridad ng grupo ay tiniyak ni PNP Chief PLtCol. Bernard Pagaduan at mga kapulisan ng Meycauayan, Bureau of Fire Protection. Nakiisa din ang reigning Bb. Meycauayan 2019 Marie Louis Long. Lubos ang pasasalamat ng mga evacauees mula sa Lemery, Sta. Teresita, Agoncillo, at Taal na nanunuluyan sa Batangas Provincial Complex, San Isidro Labrador Parish, at Malitam National Highschool at Malitam Elementary School sa kanilang natanggap na mga pagkain, gamot, sabon, mga laruan, mga timba, kaldero, atbp.

#maykabalikatkasameycauayan #TaalEruption2020