City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 39 SMART TELEVISION PACKAGE, TINANGGAP NG DEPED SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MEYCAUAYAN

April 03, 2020

39 SMART TELEVISION PACKAGE, TINANGGAP NG DEPED SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MEYCAUAYAN
Date: January 28, 2020
Sa isang programa na inilunsad ng Department of Education (DepEd) Schools Division of City of Meycauayan na “Orientation on the Implementation of Project Highly Enhanced Network, Data Repository and Surveillance (HENRYS) for School Heads and Distribution of Television Package” hinandugan ni City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica ng tatlumpu’t siyam (39) na 55”(inches) SMART TV with Cart, Mouse, Keyboard and Android Box ang 30 paaralan sa ilalim ng DepEd Schools Division ng Meycauayan noong Enero 27, 2020 sa SDO Conference Hall, Brgy. Malhacan, City of Meycauayan.

Sa mensahe ni Dr. Carolina S. Violeta EdD, Schools Division Superintendent, ay nagpasalamat siya kay Meycauayan LGU City Mayor Linabelle Villarica sa natanggap nilang mga TV packages na magagamit ng mga estudyante sa kanilang mga school activities and lectures.