City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → CDRRMO, CENRO, BFP, AT MTPB, TUMAGGAP NG MGA BAGONG VEHICLES MULA SA MEYCAUAYAN LGU!

August 06, 2020

CDRRMO, CENRO, BFP, AT MTPB, TUMAGGAP NG MGA BAGONG VEHICLES MULA SA MEYCAUAYAN LGU!
Date: January 30, 2020
Nagsagawa ng Turn-Over ng mga vehicles sa iba’t-ibang departamento mula sa Meycauayan LGU para sa epektibo at maagap na pagrisponde. Pinangunahan ito ni City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA nitong Enero 28, 2020 sa City Hall grounds.

Opisyal na iniabot ni Mayor LV ang symbolic key kina City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) OIC Julieta Dela Cruz para sa isang Personnel Carrier na may kapasidad para sa paglilikas ng 50 katao sa panahon ng sakuna, kay City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Head Engr. Ricardo Sta. Ana para sa 4 na Mini-Dump Trucks, Bureau of Fire Protection (BFP) Head Fire Marshall Chief Inspector Christopher Lumiwes na nirepresinta ni SFO3 Lauro Klaus, para sa tatlong Motorcycles, at kay Meycauayan Traffic & Parking Bureau (MTPB) Head former Gen. Buenaventura Viray, Jr. para sa isang Motorcycle na magagamit para sa mga operasyon pang katahimikan at kaayusan.